Tatanggapin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos si Singapore President Tharman Shanmugaratnam sa Malacañang, bukas (August 15), bilang pagsisimula sa tatlong araw na State Visit ng Singaporean leader sa Pilipinas.
“This will be the first time for President Shanmugaratnam to visit the Philippines in his official capacity as Singapore’s new head of state. The last Singaporean leader who visited the country was Halimah Yacob in 2019.” —PCO
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), gagamitin ng Pangulo ang pagkakataon upang bigyang diin ang commitment ng Pilipinas sa pagpapatatag ng kolaborasyon nito sa Singapore.
“In May this year, President Marcos invited the new Singapore government leaders President Shanmugaratnam and Prime Minister Lawrence Wong to the Philippines.” —PCO
Ipagpapatuloy ng dalawang bansa ang pagsusulong ng bilateral at multilateral relations nito, kabilang na ang linya ng enerhiya, kalusugan, at iba pa.
Bukod sa pulong, inaasahan na sasaksihan rin ng dalawang lider ang paglagda sa ilang kasunduan para sa recruitment ng mga Pilipinong healthcare worker, at ang pagtutulungan pa ng dalawang bansa para sa climate financing.
“The diplomatic relations between the Philippines and Singapore were formally established on May 16, 1969. The two countries celebrated their 55th year of diplomatic ties this year.” —PCO. | ulat ni Racquel Bayan