Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay ng sovereign guarantee sa mga uutangin ng National Housing Authority (NHA) at Social Housing Financing Corporation sa pagpapatayo ng proyekto sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni Housing Secretary Jose Acuzar na ang guarantee na ito ay gagamitin upang mapabils ang construction ng mga pabahay ng gobyerno.
“Kasi noong nakaraan, ang ginamit namin ay private money, ay napakabagal po ng pasok po ng pondo. Since po uutangin naman po ito, kaya po ang naisapan namin, ang uutang na lang po ay ang gobyerno na rin – iyong National Housing Authority at ang SHFC para mapabilis po at ma-fast track po ang pagtayo ng construction ng 4PH program.” -Sec Acuzar.
Sa ilalim ng programa, sa halip na sa pribadong institusyon o iyong mga contractors ang hahanap ng pondo, ang gobyerno na mismo ang uutang, upang mapabilis ang paglalabas ng pondo, na magri-resuta sa mas mabilis na kontruksyon ng mga pabahay.
“Ngayon, ang mangyayari po, kapag napahiram na, ang magpapakontrata na po, ang SHFC at saka iyong NHA; wala nang developers. Sa ganoong sistema, makakatipid po tayo kasi ang developers profit, nawawala. Kasi alam ninyo po, kapag developers ka, kukuha ka ng contractor, papatayo mo iyong building, kikita pa iyong developers; eh diretso contractor, kikita rin iyong contractor. Dito sa ginawa po ng gobyerno natin, wala nang developers. Ang developers po dito ay iyong gobyerno.” -Secretary Acuzar.
Sabi ng kalihim, game changer ito sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa housing backlog sa bansa.
Sinasalamin rin aniya nito ang commitment ni Pangulong Marcos, sa pagbibigay ng disente at abot-kayang tirahan sa mga Pilipino.
“This guarantee is another solid testament of our President’s commitment to uplift the lives of all Filipinos by providing decent yet affordable shelters through whole-of-nation approach. Sa pamamagitan nito, mapapabilis po natin ang pagsulong ng 4PH sa buong bansa dahil mas malakas ang kumpiyansa ng ating mga private partners sa programa.” -Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan