SP Chiz Escudero, hinimok ang OSG na maghain ng petisyon sa korte ng Pilipinas para kilalanin ang 2016 The Hague ruling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senate President Chiz Escudero ang Office of the Solicitor General (OSG), na maghain ng petisyon sa lokal na korte sa bansa para kilalanin ang 2016 The Hague ruling na pabor sa Pilipinas laban sa China kaugnay ng isyu sa W est Philippine Sea (WPS).

Sa naging budget hearing ng Senado sa panukalang 2025 budget ng Department of Justice (DOJ), sinabi ni Escudero na mahalagang magkaroon din ng ruling ng local courts sa foreign judgment upang maging parte ito ng batas ng bansa.

Pinunto ng senate president na sa ngayon kasi, ang batayan lang ng ating panalo ay ang The Hague ruling.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, may mga regulasyon naman na ang Korte Suprema sa pagkilala at pagpapatupad ng mga foreign judgment, pero mahirap ang mekanismo sa implementasyon nito.

Kadalasan aniyang ang regulasyon para sa foreign judgment ay sumasaklaw lang sa divorce, support at money judgements.

Sinabi ni Guevara, na sa ngayon ay pinag-aaralan pa nila ang usaping ito kabilang na kung kailangang bumalangkas ng batas ang Kongreso tungkol sa pagkilala ng bansa sa foreign judgments partikular ang may kinalaman sa arbitration case laban sa China. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us