SP Chiz Escudero, nanawagang magkaroon ng general aviation terminal ang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuhay ni Senate President Chiz Escudero ang kanyang mungkahi na magkatoon ng general aviation terminal sa Pilipinas, para matiyak na lahat ng lalabas ng bansa ay dadaan sa standard inspection ng customs at immigration officials.

Ang pahayag na ito ng senate president ay kasunod ng napaulat na paglabas ng bansa ni dismissed Mayor Alice Guo.

Pinaliwanag ni Escudero, na kapag walang general aviation terminal, ang mga indibidwal na may private planes ay madali lang nakaka bypass ng standard procedures ng customs at immigration.

Dahil dito, mas nagiging madali para sa kanila na bumiyahe papasok at papalabas ng bansa nang hindi nadi-detect

Sa ngayon kasi aniya ay diretso na sa kani-kanilang mga hangar ang mga private plane, pinapadala lang ang kanilang passport para patatakan, diretso sa private lounges nila saka aalis.

Tiwala si Escudero, na sa pagpasok ng private company (San Miguel Corporation) na magsasaayos ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa September 20 ay maipapatayo ang ganitong general aviation terminal. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us