SP Chiz Escudero, suportado ang ipapatupad na stratehiya ng PNP sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang ayon at suportado ni Senate President Chiz Escudero ang bagong estratehiya na ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) sa paglaban sa illegal na droga, kung saan pangunahing tututukan ay ang pagbuwag sa drug supply chain sa halip na malilit o street level pusher at user ang pag initan.

Ayon kay Escudero, sa simula pa lang ay dapat itinuon na ang pansin ng war on drugs sa supply chain lalo na’t galing sa ibang bansa ang raw materials ng shabu at cocaine.

Pinunto ng senate president, na dati na niyang kinukwestiyon kung bakit mga maliliit  lang na drug pusher ang nahuhuli at walang malaking drug lord ang naaaresto.  

Sakali aniyang magtagumpay ang gagawin ng PNP ay tiyak nang hihina o bababa ang suplay ng ilegal na droga at tataas ang presyo nito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us