Sinusugan ni Speaker Martin Romualdez, ang panawagan na kaselahin ang pasaporte ng dismissed Mayor ng Bamban Tarlac na si Alice Guo.
Ayon kay House Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, nakipag-usap ang House leader sa legal team ng Kamara kung posible nga ba na makansela ang pasaporte ni Guo upang mapabalik ito ng bansa.
Batay sa panuntunan, para makansela ang pasaporte, ang idibidwal ay convicted at isang fugitive o kaya naman ay nakuha ang pasaporte sa pamamagitan ng fraudulent means.
Oras na makansela na ng DFA ang pasaporte ni Guo ay magiging illegal alien siya at ibabalik ng mga awtoridad sa Pilipinas.
Matatandaan na isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros na gamit ni Guo ang kaniyang Philippine passport sa paglabas ng bansa at batay sa pinakahuling impormasyon ay nakipagkita sa kaniyang pamilya sa Singapore.
Isang kautusan na ang inilabas ng ehekutibo ngayong hapon na nag-aatas sa DFA na kanselahin ang pasaporte ni Guo pati na ng kaniyang kapamilya na sina Wesley at Sheila Guo at Katherine Cassandra Ong.| ulat ni Kathleen Forbes