Special envoy, binigyang linaw ang group photo na kasama nito at ni PBBM si Cassandra Li Ong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang linaw ni Special Envoy of the President to the People’s Republic of China for Trade, Investment, and Tourism Benito Techico ang lumabas na group photo na kasama nito at ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Cassandra Li Ong.

Sa isang ambush interview sa isang resturant sa isang malaking mall sa Pasay City, kanyang inilahad na walang ugnayang malalim si Cassandra Li Ong kay Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos maging sa kanya at isang photo opportunity lamang ang nangyari.

Dagdag pa ni Techico na matagal na ang naturang larawan at mula pa noong 2020 matapos ang lock down.

Kanyang nilinaw na ang may-ari ng naturang resturant na Hao Hao ang nagpakilala sa kanila kay Li Ong na sa panahong iyon ay hindi nila kilala. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us