Surplus ng kamatis sa ilang rehiyon, tinutugunan na ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Agriculture (DA) sa napaulat na sobrang suplay ng kamatis sa ilang lalawigan.

Kabilang dito ang Nueva Vizcaya kung saan una nang iniulat na may ilang magsasaka na ang nagtapon ng kanilang aning kamatis.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang regional office sa CAR at Cagayan Valley para suriin ang sitwasyon at makapaglatag na ng intervention.

Aniya, maaaring tulungan sa market linkage at logistics ang mga magsasaka upang madala sa Metro Manila at mga Kadiwa Stores ang kanilang ani.

Kasunod nito, muli namang ipinunto ng DA na kumikilos sila para mapalawak ang mga cold storage at post-harvest facilities nang hindi maitapon nalang at masayang ang mga agri products.

Sa monitoring ng DA Bantay Presyo, bumaba na sa hanggang ₱50 ang kada kilo ngayon ng kamatis sa ilang palengke sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us