Umaabot sa P2.2 trillion ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) mula January hanggang July 2024.
Ayon sa Department of Finance (DOF) katumbas ito ng halos 60 percent ng revenue target ngayong taon na nasa P3.82 trillion.
Ang P2.2 trillion ay mas mataas ng 11 percent sa nakolektang P1.99 trillion noong nakaraang taon sa parehas na mga buwan.
Base sa datos ng DOF, nasa P1.68 trillion ang nakolekta ng BIR habang ang sa Customs naman ay nasa P536.42 billion sa loob ng pitong buwan.
Pinasalamatan naman ni Finance Secretary Ralph Recto ang dalawang tax agencies sa kanilang pagsisikap na palakasin ang tax at customs administration upang makamit ang kinakailangang kita, para pondohan ang mga programa at proyekto ng gobyerno. | ulat ni Melany Valdoz Reyes