‘Three-pronged strategy’ sa WPS, ipinatutupad ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinatutupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “three-pronged strategy” para tugunan ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa 35th International Military Law and Operations Conference (MILOPS 24) sa Manila Hotel kahapon.

Sinabi ni Brawner na una dito ang pagpapatupad ng epektibo at “sustainable” na presensya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, katulad ng panantili ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, bilang demonstrasyon ng “sovereign rights” ng Pilipinas.

Pangalawa ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas para magkaroon ng “credible deterrence capability”; at pangatlo ay ang pagbuo ng mas malakas na ugnayan sa mga kaibigan at kaalyadong bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Brawner bilang tugon sa katanungan kung ano ang magagawa ng mga bansa sa rehiyon sa patuloy na agresibong pagkilos ng China sa karagatan.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us