Nasa 2,000 benepisyaryo ng AKAP program ang nahatiran ng tulong ng Tingog Party-list sa Quezon City at San Juan City.
Si Rep. Jude Acidre ang nanguna sa pagkakaloob ng tig-P3,000 sa may 1,000 benepisyaryo sa Project 4, Quezon City nitong August 29 at hiwalay na 1,000 pang benpisyaryo sa San Juan City nito namang August 30.
Kasabay nito ay pinasinayaan din sa dalawang lungsod ang Tingog Centers para mas maging abot-kamay sa mga residente ang serbisyo ng Tingog.
Ani Acidre, misyon nila ni Rep. Yedda Romualdez, katuwang si Speaker Martin Romualdez na mailapit sa taumbayan ang serbisyo ng gobyerno.
Aniya nasa 136 na Tingog centers na ang kanilang naipapatayo at target na maakapagbukas ng kabuuang 200 bago matapos ang taon
“Tingog Centers aim to ensure that government programs and initiatives reach the grassroots level effectively to improve the quality of life and promote inclusive development,” ani Acidre.| ulat ni Kathleen Forbes