Tingog Party-list pinaigting ang relief operation sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong  Carina sa Novaliches

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawak ng Tingog Party-list ang relief operations sa 13 barangay sa Novaliches sa Quezon City ngayong araw.

Ang malakihang humanitarian efforts ay naglalayong magbigay ng agarang tulong sa 2,000 libong pamilya na lubhang naapektuhan ng nagdaang super typhoon Carina na nagdulot ng pagbaha sa maraming lugar.

Sakop ng relief operations ang mga barangay ng Lagro, North Fairview, Kaligayan, Pasong Puti, Sta Monica, Nova Proper, San Agustin, Fairview, Sta Lucia, Nagkaisang Nayon, Capri at bagbag.

Nagpasalamat naman si Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez sa mga boluntaryo na nagsusumikap  upang makatulong sa mga pamilya.

Sa ngayon, patuloy ang Tingog Party-list sa mga humanitarian intiative katulong ang Office of the Speaker at iba pang gobyerno at pribadong sector upang maabot ang mga biktima. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us