Nanawagan si Toll Regulatory Board Executive Director Alvin Carullo sa mga motorista na paglaanan ng kaunting oras ang paglalagay ng radio frequency identification device (RFID).
Ginawa ni Carullo ang pahayag sa isinagawang budget deliberation ng 2025 proposed budget ng Department of Transportation and Railways sa harap ng House Appropriations Committee.
Ayon sa opisyal, maraming installation site ang itinatag ang tollway operators upang gawin madali sa publiko ang pagpapa-install.
Nagpaalala din ito sa publiko ukol sa Joint Memorandum Circular (JMC) 2024-01 na nagpapataw ng parusa at penalty sa mga sasakyan na dadaan sa tollways na walang RFID at load balance na mga sasakyan.
Gayunpaman, sinabi ng opisyal na matapos ang October 31, mawawalan na ng cash lane ang tollways at papalitan ng lane for exceptional transaction.| ulat ni Melany V. Reyes