Pinangunahan ng 3 babae ang pioneering batch ng Philippine Public Safety Academy na nagtapos ngayong araw sa PICC.
Ito ay sina Jail Cadet Sula Mae Ricamara bilang top 1 at nakatakdang magsilbi sa Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP na may ranggong tinyente o jail inspector.
Sinundan ito ni Jail Cadet Maria Stephanie Matira bilang top 2 ng batch SANDIGMANLAYA at diretso din sa BJMP bilang jail inspector.
Pumangatlo sa pioneering batch si Dire Cadet Kristine Kaye Cajes na mapupunta naman sa Bureau of Fire and Protection at may ranggong fire inspector.
Agad ding pinanumpa sa kanilang posisyon ang 97 graduates at inanunsyo ang kanilang permanent position.
Sa kabuuan, 48 ang magiging bagong miyembro ng BFP habang 49 naman ang makikianib sa BJMP. | ulat ni Lorenz Tanjoco