Makikipag-ugnayan ang Department of Finance (DOF) ang ilang concerned government agency upang talakayin ang mga paraan para i-promote ang transparency sa Official Development Assistance (ODA) pocesses.
Ayon sa DOF, layon nitong i-monitor ang impact ng mga proyekto at beneficiaries.
Ang ODAs ay loans at grants sa gobyerno mula sa ibang mga bansang may diplomatic at trade relations o bilateral agreement ang Pilipinas.
Binigyang diin ni DOF Undersecretary Joven Balbosa ang kahalagahan ng transparency at episyenteng pagmo-monitor ng ODAs.
Aniya ito ay upang maappreciate ng publiko ang mga proyektong ginagawa ng gobyerno.
Tinalakay din ng DOF sa mga ahensya kung paano ma-streamline, codify at automate ang mga procedures at implementation for negotiation ng ODAs.
Ang DOF International Finance Group (IFG) ang siyang naatasan na magsagawa ng negosasyon sa mga ODAs ng Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes