Pangkalahatang mapayapa ang 3-araw na transport strike na ikinasa ng grupong Piston at Manibela.
Ayon ito kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, na nagsabi na hanggang sa kasalukuyan ay walang na-monitor na untoward incident ang PNP.
Tiniyak ni Fajardo na sapat ang bilang ng mga pulis na dineploy para panatilihing maayos ang transport strike, kasabay ng pagsabi na pinatutupad ng mga ito ang maximum tolerance.
Nakiusap naman ang PNP sa mga nagsasagawa ng protesta na huwag i-harass ang mga kapwa tsuper nilang hindi lalahok sa programa at igalang ang karapatan ng mga mananakay.
Samantala, may alok namang libreng sakay ang PNP sa mga maaapektuhan ng 3 araw na tigil pasada. | ulat ni Leo Sarne