Trust at performance rating ni PBBM, tumaas; VP Sara, bumaba — OCTA survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking bilang ng mga Pilipino ang patuloy na nagtitiwala sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa isinagawang 2nd Quarter Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research, tumaas sa 71% ang trust rating o bilang ng mga Pilipinong nagtitiwala kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Mas mataas ito ng 2% kumpara sa 69% na naitala sa unang quarter ng 2024.

Tumaas din sa 68% ang performance rating ni Pangulong Marcos mula sa 65% noong Q1 2024 TNM survey.

Batay sa survey, pinakamataas ang trust at performance rating ng Pangulo sa Balance Luzon na sinundan ng NCR at Visayas Region.

Samantala, mula sa 68% ay bahagyang bumaba naman sa 65% ang trust rating ni Vice President Sara Duterte-Carpio. Ito rin ang ikalawang sunod na quarter na nakaranas si Duterte ng pagbaba sa kanyang trust ratings.

Maging ang performance rating ng Pangalawang Pangulo ay bumaba rin sa 60% mula sa 64% na naitala noong unang quarter ng taon.

Nakasaad din sa survey na mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa liderato nina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez.

Si Escudero ay nakakuha ng 67% trust rating habang si Romualdez naman ay may 62% trust rating at 63% performance rating.

Isinagawa ang 2nd Quarter 2024 TNM nationwide survey mula June 30 – July 5, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us