Pormal na inilunsad ngayong araw ang makabagong social amelioration program na layong tulungan ang mga magulang ng senior high students.
Sa pamamagitan ng Tulong Eskuwela Program kabuuang P5.28 billion na tulong pinansyal ang ipinagkaloob sa may 1.32 milyong Filipino parents ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng AKAP at TUPAD program.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez na pangunahing nagsulong nito, ang naturang programa ay tugon ng Kongreso sa hamon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. noong kaniyang huling SONA na matulungan ang mga magulang ng senior highschool students na kapos sa buhay para maitaguyod ang pagaaral ng kanilang mga anak.
“Ang Tulong Eskwela ay ang ating tugon sa hamon ng ating mahal na Pangulo sa kanyang huling SONA…Kadalasan ay kinakapos ang mga magulang sa pagtustos sa pagtatapos ng kanilang mga anak sa senior high school. At kapag hindi nagtapos, mahirap makakuha ng trabaho at mahirap magkaroon ng kontribusyon sa ating mga komunidad,” sabi ng House Speaker
3,000 mga magulang ng senior high school students ang naging benepisyaryo ng AKAP program at may 3,000 din sa ilalim ng TUPAD sa 220 magkakaibang lugar.
Tig-P3,000 ang natanggap na tulong pinansyal ng mga parent beneficiaries
“The integration of AKAP and TUPAD within the Tulong Eskwela Program not only provides immediate relief but also employment opportunities for the families of our students. This dual approach ensures that we are addressing both the short-term and long-term needs of our communities,” giit ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes