Tulong-pinansyal ng pamahalaan na ibibigay para sa OFWs na ililikas mula sa Lebanon, tinaasan – DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan ang mga Pilipino na ililikas mula sa Lebanon.

Sa isang panayam, inihayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na binigyang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang DMW, na repasuhin ang financial assistance rate mula sa P50,000 ay ginawa na itong P75,000 na manggagaling sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration.

Kaya naman nasa P150,000 ang kabuuang financial assistance na matatanggap ng mga overseas Filipino worker pagdating ng bansa.

Ayon kay Cacdac, ang bagong financial assistance rate ay epektibo simula pa noong nakaraang linggo.

Pati aniya ang mga undocumented na mga Pilipino ay makatatanggap din ng tulong pinansyal.

Bukod dito ay bibigyan din ng psychosocial support at livelihood assistance ang mga uuwing Pilipino.

Samantala, inaasahang darating sa bansa ngayong linggo ang 45 Pilipino na nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan mula sa Lebanon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us