Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan ang patuloy na pag-monitor sa mga lugar at indibidwal na pinaka-vulnerable sa Mpox.
“Continue surveillance especially on areas and people most vulnerable to the disease,” — Pangulong Marcos Jr.
Ginawa ng Pangulo ang direktiba sa naganap na pulong kasama si Health Secretary Ted Herbosa.
Sa pulong, nilinaw ng kalihim na ang Monkeypox (Mpox) ay hindi isang epidemya gaya ng COVID-19, at hindi gaanong nakakahawa.
Mayroon lamang aniyang 10 na kaso ng sakit na naitala sa bansa, mula taong 2023. Ipinabatid din ng kalihim sa Pangulo na walang public emergency kaugnay sa Mpox, hindi ito airborne, at mababa lamang ang naitatalang kaso at fatality rate ng sakit.
“Unlike COVID-19, which is airborne, Mpox may only be transmitted through intimate or skin to skin physical contact with someone who is infected or with contaminated materials. Mpox or Monkey pox is a viral illness caused by the monkeypox virus, according to the World Health Organization (WHO).” — PCO.
Pagsisiguro ng kalihim, handa ang mga ospital ng DOH na tugunan at i-manage ang mga maitatalang kaso ng Mpox.
“The common symptoms of Mpox are skin lesions, which can last two to four weeks accompanied by fever, headache, muscle aches, back pain, low energy, and swollen lymph nodes.” — PCO. | ulat ni Racquel Bayan