Pinalaya na ng Senado ang independent contractor ng GMA7 na si Jojo Nones, na isa sa mga inaakusahang sexual abuse ng aktor na si Sandro Muhlach.
Matatandaang pina-contempt ni Senate Ppresident Pro Tempore Jinggoy Estrada si Nones dahil hindi kumbinsido ang senador sa naging sagot nito sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and mass media tungkol sa isyu.
Inamin rin ng senador na hindi niya nagustuhan ang naging paraan ng pagtugon ni Nones sa kanyang pagtatanong sa naging pagdinig nila kahapon.
Ngayong hapon, sinabi ni Estrada na nirekomenda na niya kay committee chairman Senador Robin Padilla ang pagpapalaya kay nones bilang konsiderasyon sa mental at physical health nito.
Tinanggap na rin ng mambabatas ang written apology na pinadala ni Nones kung saan sinabi nitong nadala lang siya ng emosyon dulot na rin ng stress at anxiety niya sa pagkakakulong sa Senado.
Pirmado na nina Padilla at Senate President Chiz Escudero ang release order ni Nones.| ulat ni Nimfa Asuncion