Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. gayundin sa Department of Budget and Management (DBM).
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Marcos ang pagpapatupad ng umento sa suweldo sa mga kawani ng Pamahalaan gayundin ang pagbibigay ng Medical Allowance sa mga ito.
Sa isinagawang flagraising ceremony ngayong araw, sinabi ni Education Sec. Sonny Angara na malaking bagay ito lalo na sa mga Pampublikong Guro.
Maliban sa taas-suweldo ay makatatanggap din ng Php 7,000 medical allowance ang mga Guro.
Magpapatuloy din ayon kay Angara ang Expanded Career Progression Program bilang pagtalima sa kautusan ng Pangulo na mai-angat ang pamumuhay ng mga Guro gayundin ng Non Teaching Personnel. | ulat ni Jaymark Dagala