US at France, sumuporta sa Pilipinas kasunod ng huling insidente sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nagpahayag ng suporta ang Estados Unidos at Pransya sa Pilipinas kasunod ng huling insidente ng pambabangga  ng dalawang Chinese Coast Guard (CCG) vessel sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard malapit sa Escoda/Sabina Shoal sa West Philippine Sea kahapon.

Sa isang X-message, sinabi ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson na nakikiisa ang Estados Unidos sa Pilipinas sa pagkondena ng peligrosong pagkilos ng CCG na panganib sa buhay at nakapinsala sa dalawang barko ng PCG.

Tiniyak pa ng embahador na commited ang Estados Unidos na suportahan ang karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng International Law.

Sa isang statement, nagpahayag naman ng pagkabalahala ang French Embassy sa Manila sa insidente, at ipinanawagan ang pagrespeto sa UN Convention on the Law of the Seas; kasabay ng pagpapaalala sa desisyon ng Arbitral Court noong July 12, 2016, na pabor sa Pilipinas.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us