US Coast Guard, dumating na sa Pilipinas para tumulong sa paglilinis ng oil spill sa Bataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na lalawigan ng Bataan ang mga koponan mula sa United States Coast Guard (USCG) at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) upang tumulong sa operasyon na malinis ang oil spill sa lugar.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), binubuo ang USCG at NOAA ng walong miyembro na magbibigay ng technical assistance.

Makikipag-ugnayan ang USCG at NOAA sa PCG Incident Management Team hinggil sa recovery operations sa tatlong maritime incidents na kinasasangkutan ng MTKR Terranova, MTKR Jason Bradley, at MV Mirola 1.

Papalitan ng metal cap ang nauna nang nakitang capping bags mula sa motor tanker upang maiwasang lumala ang pagkalat ng langis sa karagatan habang isinasagawa ang siphoning operation.

Pagkatapos mapalitan ng metal cap, maaaring magsimula ang siphoning operation sa 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil mula sa MTKR Terranova, 300,000 liters ang kailangang masipsip para mapalutang ang motor tanker.  | ulat ni Mary Rose Rocero

📷 PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us