US INDOPACOM Admiral Paparo, bibisita sa EDCA sites sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbisita sa bansa ni US INDOPACOM Admiral Samuel Paparo.

Sa courtesy call ng US Admiral sa Malacañang ngayong hapon (August 27), sinabi ng Pangulo na mas marami pang pagkakataon na magkakaharap ang mga opisyal ng Estados Unidos at Pilipinas.

Ito ayon kay Pangulong Marcos ay dahil maraming usapin ang maaaring talakayin ng dalawang bansa.

“I’m sure be seeing more of you- us going to see you and you going to see us. We have a great deal of – we have many subjects to discuss for the United States and for the Philippines.” —Pangulong Marcos Jr.

Kaugnay nito, welcome rin sa Pangulo ang gagawing pagbisita ng admiral sa EDCA sites sa bansa upang malaman nito ang tunay na sitwasyon on ground.

“I’m glad that you are able to find time to tour with us in the Philippines. I understand that you were going to visit some sites and one of the EDCA sites so you will see the true situation on the ground.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us