Planong kitilin ni Senate President Chiz Escudero ang anumang usapin hinggil sa impeachment.
Sa ginanap na armshow sa SMX Pasay, pinayuhan din ng senador ang mga kasamahan nito sa Senado na huwag makialam o manghimasok sa anumang isyu na may kinalaman sa impeachment.
Paliwanag ni Escudero, bilang mga senador ay sila ang tatayong mga hukom sa oras na may kaso ng impeachment sa bansa.
Kaugnay nito ay sinabi din ni Escudero na walang anumang napapag-usapan sa Senado hinggil sa impeachment nino man.
Matatandaang lumutang ang usapin ng impeachment kahapon nang sabihin ni Vice President Sara Duterte na pinagpaplanuhan siyang ipa-impeach ng ilang mga mambabatas sa Kamara. | ulat ni Lorenz Tanjoco