Usapin sa MRT-7 realignment, patuloy na tinatalakay ng DOTr at San Jose Del Monte LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy pa rin ang koordinasyon ng Department of Transportation (DOTr) sa pamahalaang lokal ng San Jose Del Monte, Bulacan sa usapin ng route realignment sa itinatayong istasyon doon ng MRT-7.

Ito ay para solusyunan ang pangamba ng LGU na baka magdulot ng matinding trapiko ang istasyon doon.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Jeremy Regino, nagkaroon na rin sila ng ocular inspection sa lugar kasama ang LGU para matukoy kung ano ang istasyon na mas magiging kapaki-pakinabang para sa mga pasahero sa Bulacan.

Sa ngayon ay nananatili aniyang work in progress ang usapin at hinihintay pa nila ang tugon ng LGU para sa solusyon sa isyu.

Sa kabila nito, tuloy ang target ng DOTr na masimulan ang partial operations ng MRT-7 sa huling bahagi ng 2025 kung saan inaasahan ang pagbubukas ng 12 istasyon nito.

Habang target naman ang full operations ng tren kung saan kasama na ang San Jose del Monte, Bulacan Station sa 2027.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us