Naniniwala ang Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) na may alam si dating Bureau of Customs Intelligence Officer Jimmy Guban sa nakumpiskang illegal drugs na ipinasok sa bansa at itinago sa magnetic lifter.
Ayon kay VACC President Arsenio Evangelista, ang ibinunyag ng Quad Commitee sa pagdinig ng Kongreso ay bunga ng frustrations ni Guban.
Bukod sa hindi nabigyan ng pagkilala, nakaranas pa ng pagbabanta sa kanyang buhay at pamilya, at siya pa ang nakulong.
Patunay lamang aniya ito na labis ng na-infiltrate ng sindikato ng illegal drugs ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kasama na ang law enforcment, prosecutors, mga hukuman, bilangguan at iba pa.
Iminungkahi din ng VACC na dumalo ang mga personalidad na idinadawit ni Guban sa pagdinig ng Quad Committee,
upang magbigay ng kanilang paliwanag sa mabigat sa akusasyon.| ulat ni Rey Ferrer