Kinumpirma ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chair Alejandro Tengco na sa kanilang pondo mangagaling ang ₱20-million na gantimpala para kay 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Ayon kay Tengco, mandato nila ayon sa R.A. 10699 o the National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act na magbigay ng benepisyo at insentibo sa mga national athletes na mananalo sa mga major international competitions.
Base sa batas, ₱10-million ang mapupunta sa gold medalist sa Olympics, ₱5-million para sa silver medalist at ₱2-million para sa bronze medalist.
Nakasaad din aniya sa nasabing batas na ang gantimpla ay manggagaling sa PAGCOR sa pamamagitan ng kanilang National Sports Development Fund.
Maliban sa perang manggagaling sa gobyerno ng Pilipinas, ay buhos din ang pabuya at gantimpalang natanggap ni Yulo mula sa iba’t ibang personalidad, negosyo, at ahensya ng pamahalaan, lahat ay bilang pagkilala sa binigay nitong karangalan sa ating bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco