Welcome kay Finance Secretary Ralph Recto ang remittance ng ₱30-billion ng upfront payment mula sa San Miguel Corporation-led new NAIA Infra Corporation (NNIC) para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Public-Private Partnership (PPP) project.
Ayon kay Recto ito ay inaasahang magpapalakas ng non-tax revenue na hindi kailangan na magpatupad ng bagong buwis.
Hindi lamang nito paghuhusayin ang “major gateway” ng bansa na maging world-class airport bagkus igagarantiya nito ang healthy income stream mula sa private sector operators.
Sa tinatayang halaga ng proyekto na nasa ₱170.6-billion pesos, ang panukalang i-rehabiltate ang NAIA ay ang pinakamalaking PPP project sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ang proyekto ay naglalayong tugunan ang matagal nang hamon ng undercapacity, congestion, at underinvestment ng pangunahing paliparan sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes