Lebel ng tubig sa Marikina River, mahigpit na binabantayan kasunod ng bagyong Enteng

Mahigpit na binabantayan ng Marikina LGU ang antas ng tubig sa Marikina River ngayong umaga. Ito’y kasunod na rin ng magdamag na pag-ulang dala ng hanging hbagat na pinaigting pa ng bagyong Enteng. Batay sa 5am update ng Marikina City Rescue 161, nasa 13.4 meters ang lebel ng tubig sa ilog Gayunman, posibleng magbago pa… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, mahigpit na binabantayan kasunod ng bagyong Enteng

NGCP, nakaalerto na sa banta ng bagyong Enteng

Nakatutok na rin ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa posibleng epekto ng bagyong Enteng sa bansa partikular na sa mga transmission operations at facilities. Ayon sa NGCP, kabilang sa inilatag nitong precautionary measures ang kahandaan ng pasilidad ng komunikasyon, pagkakaroon ng mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng maaaring masirang pasilidad, at gayundin… Continue reading NGCP, nakaalerto na sa banta ng bagyong Enteng

Trabaho sa Valenzuela City Hall, suspendido na

Nag-abiso na ang Valenzuela City local government na wala nang pasok ang mga tanggapan ng City Hall ngayong Lunes, September 2, 2024. Ito ay bilang precautionary measure bunsod ng walang tigil na pag-ulan. Exempted naman sa work suspension ang mga tanggapan ng LGU na may kaugnayan sa emergency response. Ipinauubaya rin sa management ng mga… Continue reading Trabaho sa Valenzuela City Hall, suspendido na

Party-list solon, nanawagan sa LTO na itigil na ang paniningil ng RFID fee sa mga motorista

Hiniling ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera sa Land Transportation Office (LTO) na itigil na ang paniningil ng Radio Frequency Identification (RFID) fees sa mga may-ari ng sasakyan. Salig sa LTO Memorandum Circular No. ACL-2009-1199, sinisingil ng ₱123.73 ang mga motorsiklo at ₱150.63 naman sa motor vehicles. Aniya hindi… Continue reading Party-list solon, nanawagan sa LTO na itigil na ang paniningil ng RFID fee sa mga motorista

Pilipinas, dapat nang ireklamo sa International Court ang aksyon ng China sa West Philippine Sea — Sen. Estrada

Iginiit ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada na sapat na ang hawak na ebidensya ng Pilipinas para iakyat sa International Court ang mga aksyon ng China sa West Philippine Sea. Reaksyon ito ng senador matapos ang panibagong insidente kung saan ilang beses sadyang binangga ng China… Continue reading Pilipinas, dapat nang ireklamo sa International Court ang aksyon ng China sa West Philippine Sea — Sen. Estrada

Alert Level Bravo at Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng bagyong Enteng

Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Bravo at Alpha sa ilang lalawigan sa bansa na posibleng maapektuhan ng bagyong Enteng. Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 65-88km/hour at matinding mga pag-ulan ang mga… Continue reading Alert Level Bravo at Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng bagyong Enteng

Quick response team ng DSWD, naka-deploy na sa Eastern Visayas kasunod ng banta ng bagyong Enteng

Nakaalerto na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at handa nang rumesponde sa mga lokal na pamahalaan na posibleng maapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha na dulot ng bagyong Enteng. Pinakilos na ng DSWD ang mga regional field office nito at pina-activate na rin ang Quick Response Team. Kabilang sa tinututukan ang Eastern… Continue reading Quick response team ng DSWD, naka-deploy na sa Eastern Visayas kasunod ng banta ng bagyong Enteng

Heavy Rainfall Warning, nakataas sa ilang lalawigan sa bansa

Patuloy ang banta ng malakas na ulan sa ilang lalawigan sa Luzon dahil sa epekto ng bagyong Enteng. Sa 5am Heavy Rainfall Warning na inilabas ng PAGASA, nakataas ang Orange Rainfall Warning sa Quezon kung saan malaki ang banta ng pagbaha. Nasa ilalim naman ng Yellow Rainfall Warning ang Laguna, Rizal, at Batangas kung saan… Continue reading Heavy Rainfall Warning, nakataas sa ilang lalawigan sa bansa

Tahasang pambu-bully at pagiging bayolente ng China, kinondena ng Mindanao solon

Mariing kinondena ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang panibagong insidente ng pagpapakita ng China ng pambu-bully at pagiging bayolente sa ating Philippine Coast Guard na nagpapatrolya sa loob mismo ng ating exclusive economic zone sa West Philippine Sea. Nabutas ang hull ng BRP Teresa Magbanua matapos banggain ng China Coast Guard noong… Continue reading Tahasang pambu-bully at pagiging bayolente ng China, kinondena ng Mindanao solon

Polish Foreign Minister, nakatakdang bumisita sa Pilipinas bukas para sa isang state visit

Inaasahang bibisita sa Pilipinas bukas, ika-3 ng Setyembre, si Polish Foreign Minister Radoslaw Sikorski para sa isang state visit nito na magtatagal hanggang sa araw ng Huwebes, ika-5 ng Setyembre. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagbisitang ito ni Sikorski sa bansa ay ang kauna-unahang standalone visit ng isang Polish Foreign Minister at… Continue reading Polish Foreign Minister, nakatakdang bumisita sa Pilipinas bukas para sa isang state visit