Ipo Dam, nagpapakawala ng tubig

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat at bagyong Enteng. Sa ngayon ay .7 meters ang bukas na gate ng Ipo Dam. Sa datos naman ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 8am ay umabot sa 100.59 ang water level sa Ipo Dam na malapit… Continue reading Ipo Dam, nagpapakawala ng tubig

PNP, nakikipag-ugnayan na sa Indonesian Police para mailipat ang kostudiya kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

Puspusan nang nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang Indonesian counterparts kaugnay sa nangyaring pag-aresto kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, nasa indonesia ang kanilang Police Attache para siyang mag-asikaso sa turnover kay Guo. Gayunman, hindi na nagbigay pa ng kaukulang detalye ang PNP… Continue reading PNP, nakikipag-ugnayan na sa Indonesian Police para mailipat ang kostudiya kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

DOJ, nakikipag-ugnayan na sa Indonesian Police para sa pagpapauwi kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

Nagsasagawa na ng koordinasyon sa Indonesian Police ang Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) para maiuwi sa Pilipinas si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, pinoproseso na ang mga dokumento upang agad maibalik sa bansa ang dating alkalde. Nakipag-ugnayan na ang NBI at BI… Continue reading DOJ, nakikipag-ugnayan na sa Indonesian Police para sa pagpapauwi kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

Electric Coops, nagtamo ng ₱3.9-M halaga ng pinsala bunsod ng bagyong Enteng

Umabot na sa ₱3.9-million ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga pasilidad ng electric cooperatives bunsod ng hagupit ng bagyong Enteng. Sa latest power monitoring report ng National Electrification Administration (NEA), mayroon pang 13 electric cooperatives (ECs) mula sa 13 lalawigan ang naapektuhan ng bagyo. Normal naman ang operasyon ng pitong apektadong ECs bagamat… Continue reading Electric Coops, nagtamo ng ₱3.9-M halaga ng pinsala bunsod ng bagyong Enteng

Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, naaresto na sa Indonesia

Hawak na ng Indonesian Police si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kasalukuyang pinaghahanap dahil sa kaniyang pagkakasangkot sa industriya ng POGO sa Pilipinas. Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa isang mensaheng kaniyang ipinadala sa mga mamamahayag sa Kampo Crame. Sinabi ni Abalos… Continue reading Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, naaresto na sa Indonesia

Red Cross, nanawagan ng donasyon para sa mga apektado ng bagyong Enteng at habagat

Nanawagan ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) sa sinumang nagnanais magpadala ng kanilang donasyon para sa mga apektado ng pananalasa ng bagyong Enteng at habagat. Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, kahit magkano ay kanilang tatanggapin upang maipagpatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng kalamidad. Para naman kay PRC Secretary General,… Continue reading Red Cross, nanawagan ng donasyon para sa mga apektado ng bagyong Enteng at habagat

Jomalig, Quezon, muling niyanig ng Magnitude 5 na lindol

Muli na namang tumama ang isang may kalakasang lindol sa bahagi ng Jomalig, Quezon ngayong umaga. Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), naganap ang pagyanig bandang 7:55 ng umaga, higit 30 minuto ang nakalipas mula nang una itong tamaan ng Magnitude 5.6 na lindol. Tectonic pa rin ang origin nito at… Continue reading Jomalig, Quezon, muling niyanig ng Magnitude 5 na lindol

Naipamahaging tulong ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Enteng at habagat, halos ₱70-M na

Patuloy sa paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng pag-iral ng bagyong Enteng at habagat. Sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, umakyat na sa halos ₱70-million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa mga apektadong residente. Kasama rito… Continue reading Naipamahaging tulong ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Enteng at habagat, halos ₱70-M na

Magnitude 5.6 na lindol, tumama sa Jomalig, Quezon

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang bahagi ng Jomalig, Quezon ngayong umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 7:16am naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 37 kilometro hilagang silangan ng naturang bayan. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 kilometro sa lupa. Naitala ang… Continue reading Magnitude 5.6 na lindol, tumama sa Jomalig, Quezon

San Juan City LGU, nananatiling bukas sa pagtanggap ng tulong para sa mga nasalanta ng kalamidad

Nilinaw ng pamahalaang lungsod ng San Juan na bukas sila sa pagtanggap ng anumang tulong o ayuda para sa mga residente nilang nasalanta ng kalamidad. Ang pahayag ay ginawa ni San Juan City Mayor Francis Zamora makaraang kuwesyunin nila Senador Jinggoy Estrada at Senador JV Ejercito ang ordinansang nagtatakda ng mga alituntunin sa pamamahagi ng… Continue reading San Juan City LGU, nananatiling bukas sa pagtanggap ng tulong para sa mga nasalanta ng kalamidad