Naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 katao na sangkot sa illegal sex trade gamit ang platform na Telegram.
Kinilala ang mga nahuling indibidwal na sina Shuang Yuan Wang, Shao Jian Yong, Fung Jie Sin, Huang Qi, Huang Shuai at Liu Ze Jun at Rochelle Maglanque Magat, Ma Jessica Buenaventura, Justin Caladiao Cao at Faiudz Abdula Maguindao .
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nahuli ang mga ito sa Shore Residences Pasay City.
Dalawamput pitong (27) biktima ng human trafficking ang na-rescue din ng NBI, anim dito ay mga menor de edad, at sila ay nai turn over na sa DSWD para sa kaukulang custody.
Samantala, dalawa pang dayuhan na sina Chresto Jun Saligumba at Renier delos Reyes ang nahuli din ng NBI gamit ang Facebook account na “SLIM” na may sex trade sa Pinay minors.
Inihahanda na ng NBI ang isasampang kaso laban sa mga naarestong indibidwal dahil sa paglabag sa Anti Trafficking in Person Act of 2022 at Cybercrime prevention Act of 2012. | ulat ni Rey Ferrer