Mass Grave sa Porac, Pampanga, iimbestigahan ng DOJ

Hindi ipagsasawalang bahala ng pamahalaan ang naging pahayag ng dalawang Chinese nationals na ginawang mass grave ang ilang bahagi ng POGO Lucky South 99 sa Porac, Pampanga. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, seryoso ang usaping ito na dapat ay seryosohin ng gobyerno. Ani Remulla, inatasan na niya, ang National Bureau of Investigation (NBI)… Continue reading Mass Grave sa Porac, Pampanga, iimbestigahan ng DOJ

Bagong Casualty and Cancer Care Center sa AFP Medical Center, ipatatayo sa pagtutulungan ng Congressional Spouses Foundation at MVP Group

Pormal na nai-turnover ng Congressional Spouses Foundation (CSFI) ng 19th Congress ang tulong-pinansyal para sa pagpapatayo ng bagong Casualty and Cancer Care Center sa AFP Medical Center. Isa itong inisyatiba ng CSF| – 19th Congress sa pamumuno ni CSFI Chairperson Yedda Marie Romualdez katuwang ang MVP Group. Inaasahan na mapapasinayaan ang unang phase ng proyekto… Continue reading Bagong Casualty and Cancer Care Center sa AFP Medical Center, ipatatayo sa pagtutulungan ng Congressional Spouses Foundation at MVP Group

Bulkang Kanlaon, patuloy sa pagbuga ng mataas na lebel ng asupre

Nakaalerto pa rin ang PHIVOLCS sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros na patuloy na nagbubuga ng mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide (SO2). Sa monitoring ng PHIVOLCS, umakyat pa sa 10,880 tonelada ng asupre ang ibinuga ng bulkan. Bukod dito, mayroon ding 17 volcanic earthquake sa nakalipas na 24-oras sa bulkan. Ayon pa… Continue reading Bulkang Kanlaon, patuloy sa pagbuga ng mataas na lebel ng asupre

GSIS, tiniyak na poprotektahan ang mga impormasyon ng mga miyembro nito matapos ang hacking incident sa ahensya

Tiniya ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga empleyado nito, miyembro, at mga pensioners, na prayoridad ng ahensya ang protektahan ang impormasyon ng mga ito. Ayon sa GSIS, ipinapatupad na nito ang mga kinakailangang hakbang para maprotektahan ang mga impormasyon at sistema nito. Patuloy din anilang ginagawa ngayon ang lahat ng aksyon na kinakailangan… Continue reading GSIS, tiniyak na poprotektahan ang mga impormasyon ng mga miyembro nito matapos ang hacking incident sa ahensya

GSIS, tukoy na ang computer na biktima na hacking incident

Test computer. Ito ang computer system na nabiktima ng mga hacker matapos atakihin ng mga hackers ang Government Service Insurance System (GSIS). Ayon sa ahensya, offline na ang nasabing computer habang patuloy nagsasagawa ang ahensya ng imbestigasyon hinggil sa kung hanggang saan ang epekto ng nasabing hacking incident. Dagdag pa ng GSIS na ang nasabing… Continue reading GSIS, tukoy na ang computer na biktima na hacking incident

MIAA, inanunsyo ang kanselasyon ng iba’t ibang flights ngayong araw

Naglabas ng anunsyo ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa mga kanselasyon ng flights ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa MIAA, kanselado ang apat na byahe ngayong araw dahil sa masamang panahon. Kabilang sa mga kanseladong flights ngayong araw ay ang Cebu Pacific Air (5J)5J 373/374 Manila-Roxas-Manila CebGo… Continue reading MIAA, inanunsyo ang kanselasyon ng iba’t ibang flights ngayong araw

DSWD Central Visayas, nakaalalay sa Negros Oriental sakaling mag-alburoto ang Bulkang Kanlaon

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 7-Central Visayas ang sapat na relief supplies sakaling kailanganin ng local government units (LGUs) sa Negros Oriental ang dagdag na tulong kasunod ng pagtaas ng aktibidad ng Mt. Kanlaon. Ayon kay DSWD Central Visayas Regional Director Shalaine Marie Lucero, mayroong nakahandang 6,800 kahon ng… Continue reading DSWD Central Visayas, nakaalalay sa Negros Oriental sakaling mag-alburoto ang Bulkang Kanlaon

DND, inaasahang maghahain ng mosyon para tutulan ang paglilipat ng kustodiya kay Apollo Quiboloy

Nakatakdang maghain ngayon ang Department of National Defense (DND) ng mosyon sa Quezon City Hall of Justice para harangin ang paglilipat ng kustodiya kay KOJC Leader Apollo Quiboloy. May kaugnayan ito sa custody request ng kampo ni Quiboloy para mailipat ito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Kampo Aguinaldo mula sa PNP Custodial… Continue reading DND, inaasahang maghahain ng mosyon para tutulan ang paglilipat ng kustodiya kay Apollo Quiboloy

Quad Committee, di maglalabas ng dokumento na magagamit para sa imbestigasyon ng ICC

Nanindigan ang House Quad Committe na hindi nito ilalabas ang mga transcript at iba pang dokumento tungkol sa imbestigasyon sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyon para magamit sa pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC). Ito ang binigyang-diin ni Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers matapos umapela ang human rights lawyer na si Atty.… Continue reading Quad Committee, di maglalabas ng dokumento na magagamit para sa imbestigasyon ng ICC

Isa sa mga tumulong kina dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas, posibleng may kaugnayan sa Chinese Triad — Sen. Gatchalian

Hindi isinasantabi ni Senador Sherwin Gatchalian ang posibilidad na konektado sa Chinese Triad ang itinuturing na boss ng mga POGO na si Huang Zhiyang. Si Huang ang isa sa mga kasosyo ni dating Mayor Alice Guo at sinasabing tumulong sa kanya na makatakas at makalabas ng Pilipinas. Ayon kay Gatchalian, bagamat hindi pa verified ang… Continue reading Isa sa mga tumulong kina dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas, posibleng may kaugnayan sa Chinese Triad — Sen. Gatchalian