Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 15 mangingisda na naiulat na nawawala sa Quezon Province noong kasagsagan ng bagyong Enteng.
Kahapon, nagsagawa ng aerial operation ang PCG sa buong Quezon Province at karatig lalawigan para hanapin ang Fishing Banca Zshan.
Ayon sa PCG, pumalaot ang naturang fishing banca noong September 2 sa Pacific Ocean mula sa bayan ng Infanta.
Nakausap pa raw ng may-ari ng banca ang kapitan ng FBCA Zshan noong kasagsagan ng bagyo at pinayuhang magtago sa ligtas na lugar.
Pero mula noon ay nawalan na sila ng contact sa nasabing fishing banca. | ulat ni Mike Rogas