Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

DSWD-NCR, nakatutok na sa lagay ng mga residenteng nasunugan sa Tondo, Maynila

Nagsagawa na ang DSWD Field Office NCR – Disaster Response Management Division (DRMD) ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa nangyaring sunog sa Barangay 105, Tondo, Maynila noong Sabado. Ayon sa DSWD, batay sa kanilang isinagawang assessment, humigit kumulang 1,737 na pamilya ang naapektuhan sa nangyaring sunog. Ang mga apektadong pamilya ay nananatili… Continue reading DSWD-NCR, nakatutok na sa lagay ng mga residenteng nasunugan sa Tondo, Maynila

Binabantayang LPA, isa nang bagyong Gener; ilang lugar sa Luzon, nasa ilalim ng Signal No. 1 — PAGASA

Isa nang bagyo na tinawag na “Gener” ang low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng Cagayan. Sa 8am Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 315 km East Northeast ng Casiguran, Aurora, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 55 km/h. Nakataas naman ngayon… Continue reading Binabantayang LPA, isa nang bagyong Gener; ilang lugar sa Luzon, nasa ilalim ng Signal No. 1 — PAGASA

Coast Guard, patuloy sa pagtatanggol ng teritoryo ng Pilipinas sa kabila ng pag-alis ng barko ng PCG sa Sabina Shoal

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang commitment sa patuloy na pagtatanggol ng teritoryo ng Pilipinas. Ito ay sa kabila ng pag-alis ng BRP Teresa Magbanua sa Sabina Shoal bunsod ng kawalan ng tubig at makakain. Ayon kay Task Force on West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na nawalan ng suplay ng tubig at… Continue reading Coast Guard, patuloy sa pagtatanggol ng teritoryo ng Pilipinas sa kabila ng pag-alis ng barko ng PCG sa Sabina Shoal

Pilipinas, umangat ang ranggo sa 2024 United Nations Global Cybersecurity Index

Umakyat ang puwesto ng Pilipinas sa listahan ng mga bansang may matatag na cybersecurity measures. Mula sa ika-61 noong 2020, tumalon na sa ika-53 ang ranggo ng Pilipinas sa 2024 United Nations Global Cybersecurity Index (GCI). Sa report na inilabas noong September 12, nakakuha ang Pilipinas ng 93.49 cybersecurity score.  Dahil dito, umangat sa Tier… Continue reading Pilipinas, umangat ang ranggo sa 2024 United Nations Global Cybersecurity Index

Blue Alert status, nananatili ayon sa NDRRMC dahil sa nagpapatuloy na masamang panahon

Nananatili ang Blue Alert status o kalahati ng pwersa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang naka-standby upang matiyak na may sapat na manpower sa buong bansa bagaman nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ferdie. Ayon sa NDRRMC, ito ay dahil sa may isa pang Low Pressure Area… Continue reading Blue Alert status, nananatili ayon sa NDRRMC dahil sa nagpapatuloy na masamang panahon

PBBM, hiningi ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa harap ng marami pang plano ng administrasyon para sa Pilipinas

Muling humingi ng pagkaka-isa at pagtutulungan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino. Sa harap ito, sabi ng Punong Ehekutibo, ng marami pang pangarap at plano ng kanyang administrasyon para sa Pilipinas. Sinabi ng Pangulo na ang nais niya sana’y maging kaagapay ng pamahalaan ang bawat isa sa gitna ng mga planong nakalinya… Continue reading PBBM, hiningi ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa harap ng marami pang plano ng administrasyon para sa Pilipinas

Mahigit 500 katao, stranded pa rin sa iba’t ibang pantalan dahil sa sama ng panahon 

Hindi pa rin pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na magkapaglayag ang ilang sasakyang pandagat sa iba’t ibang probinsya dahil sa masamang lagay ng panahon.  Sa ulat ng PCG, aabot sa 548 na mga pasahero, truck drivers, at helpers ang nananatili sa iba’t ibang pantalan.  Sa Eastern Visayas, suspendido ang mga biyahe sa: – Kawayan… Continue reading Mahigit 500 katao, stranded pa rin sa iba’t ibang pantalan dahil sa sama ng panahon 

Nasirang catenary wire ng LRT-2 sa Gilmore Station, maagang naisaayos; linya ng tren, nabuksan sa oras

Nabuksan sa tamang oras ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong Lunes, September 16. Ganap na alas-5 ng umaga nang magbukas ang LRT Line 2 matapos maagang maisaayos ang nangyaring aberya. Una kasi rito, tinamaan ng kidlat ang catenary wire sa bahagi ng Gilmore Station sa kasagsagan ng pag-ulan kagabi. Ang catenary… Continue reading Nasirang catenary wire ng LRT-2 sa Gilmore Station, maagang naisaayos; linya ng tren, nabuksan sa oras

PNP, handang ibigay ang kustodiya kay dating Mayor Alice Guo matapos ilipat sa Valenzuela ang kaso nito mula sa Tarlac

Nakaantabay lamang ang Philippine National Police (PNP) sa anumang magiging desisyon ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) sa kasong graft laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito ang tinuran ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo matapos katigan ng Korte Suprema ang naging kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na… Continue reading PNP, handang ibigay ang kustodiya kay dating Mayor Alice Guo matapos ilipat sa Valenzuela ang kaso nito mula sa Tarlac

Ilang bahagi ng Mandaluyong City, nakaranas ng pagbaha matapos ang malakas na buhos ng ulan

Nagmistulang lawa ang ilang bahagi ng Mandaluyong City ngayong umaga matapos ang malakas na buhos ng ulan sa nakalipas na magdamag. Batay sa impormasyon mula Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kalahati hanggang sa mahigit isang talampakang taas ng baha ang kanilang naitala. Dahilan upang itaas sa Code A at Code B… Continue reading Ilang bahagi ng Mandaluyong City, nakaranas ng pagbaha matapos ang malakas na buhos ng ulan