Higit 300,000 indibidwal, apektado ng habagat na pinalakas ng bagyong Ferdie — DSWD

Umabot na sa higit 85,000 na pamilya o katumbas ng 328,893 na indibidwal ang apektado ng ulan at bahang dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Ferdie. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama sa apektado ang MIMAROPA, Bicol Region, Western at Central Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at BARMM. Nasa higit 9,000… Continue reading Higit 300,000 indibidwal, apektado ng habagat na pinalakas ng bagyong Ferdie — DSWD

PNP, sumali na sa paghahanap kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos ipa-contempt ng Kamara

Kumilos na rin ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos ipa-contempt ng Quad Committee ng Kamara. Matatandaan na pina-contempt ng komite si Roque dahil sa hindi pagsusumite ng ipina-subpoena na mga dokumento na may kaugnayan sa imbestigasyon ng iligal na POGO. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco,… Continue reading PNP, sumali na sa paghahanap kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos ipa-contempt ng Kamara

Panukalang ₱6.352-T 2025 National Budget, sisimulan nang talakayin sa plenaryo ngayong araw

Sasalang na sa debate sa plenaryo ngayong araw ang House Bill 10800 o panukalang ₱6.352-trillion 2025 National Budget. Batay sa itinakdang schedule ng Kamara, walong araw ang ilalaan para sa plenary deliberations. Unang sasalang ang Department of Finance, Department of Justice, National Economic and Development Authority, judiciary at lump sums. Bukas naman, September 17, tatalakayin… Continue reading Panukalang ₱6.352-T 2025 National Budget, sisimulan nang talakayin sa plenaryo ngayong araw

Ilang barangay sa Quezon City, nagpatupad ng localized suspension ng klase

Suspendido ngayong Lunes ang klase sa ilang barangay sa Quezon City kasunod ng ipinatupad na “Localized Suspension.” Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan ngayong araw. Kabilang sa mga suspendido ang klase ang mga pampublikong paaralan sa mga sumusunod na barangay:… Continue reading Ilang barangay sa Quezon City, nagpatupad ng localized suspension ng klase

Pagbubukas ng LRT-2, bahagyang naantala ngayong umaga

Alas-6 ngayong umaga inaasahang magbubukas ang lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2. Batay sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ito ay dahil sa tinamaan ng kidlat ang catenary wire nito sa bahagi ng Gilmore Station kagabi. Gayunman, sinabi ng LRTA na hindi agad nasimulan kagabi ang repair and maintenance… Continue reading Pagbubukas ng LRT-2, bahagyang naantala ngayong umaga

Ilan sa maraming nabiyayaan ng libreng bayarin sa hospital bill na nagpapagamot sa Level 3 public hospital, nagpa-abot ng pasasalamat kay PBBM

Ramdam ang emosyonal at taos-pusong pasasalamat ng ilang mga pasyente at mga kaanak nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kaugnay ito ng naging pa-birthday ng Pangulo nitong nakaraang Biyernes na kung saan, sinagot ng Pangulo ang bayarin ng mga pasyente sa lahat ng Level 3 public hospital sa bansa. Sa Facebook page ni First… Continue reading Ilan sa maraming nabiyayaan ng libreng bayarin sa hospital bill na nagpapagamot sa Level 3 public hospital, nagpa-abot ng pasasalamat kay PBBM

Mga abogado ni Quiboloy, posibleng makasuhan ng Obstruction of Justice

Posibleng maharap sa kasong Obstruction of Justice ang mga abogado ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy. Sa isang statement kahapon, sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi makapagtatago si Quiboloy sa loob ng mahabang panahon nang walang tulong sa mga malalapit na kasamahan, kabilang ang kanyang mga abogado… Continue reading Mga abogado ni Quiboloy, posibleng makasuhan ng Obstruction of Justice

Bagong Inspector General ng AFP, pormal na nanungkulan

Pormal na nanungkulan bilang bagong Inspector General ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Major General Augustine Malinit. Si Maj. Gen. Malinit na huling nagsilbi bilang Vice Commander of the Philippine Air Force (PAF) ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sambisig” Class of 1991. Pinalitan ni MGen. Malinit si Lt. Gen. Steve Crespillo… Continue reading Bagong Inspector General ng AFP, pormal na nanungkulan