18 sa mga nabakunahang baboy, may antibodies na kontra ASF — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng positibong resulta ang ikinasang bakunahan kontra African Swine Fever (ASF) ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Constante Palabrica, lumabas sa pinakahuling blood sampling na 18 mula sa 41 baboy na nabakunahan ang may taglay nang 40% antibodies.

Inaasahan pa ng DA na tataas hanggang 90% ang antibodies sa mga naturukang baboy sa susunod na 14 na araw.

Paliwanag pa ni Palabrica, lumabas sa PCR test ng mga namatay na baboy na ito ay may ASF infection.

Sa kabila din na may ilang baboy ang namatay pagkatapos ng pagbabakuna, ang karamihan aniya ay nananatiling malusog.

Binigyang-diin naman ng DA na ang bakuna ay bahagi ng mas malawak na istratehiya para makontrol ang ASF.

Tiniyak rin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, Jr. na puspusan ang hakbang ng pamahalaan na makahanap ng pangmatagalang solusyon sa ASF.

“These initial results are part of a broader effort to protect our swine population. We remain hopeful, but cooperation from all stakeholders is vital. Strict adherence to vaccination protocols and biosecurity measures is crucial,” ani Sec. Tiu-Laurel. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us