BSP, planong higpitan ang pagpili ng mga external auditor na mangangasiwa ng financial institutions

Plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na amyendahan ang regulasyon na susundin ng mga bank, financial institutions at digital banks sa pagha-hire ng external auditors. Sa ipinadalang draft circular sa banks at non-banks, binalangkas ng BSP ang proposed amendments upang i-align ito sa mga pinakahuling developments sa corporate governance practice. Nais makuha ng Sentral… Continue reading BSP, planong higpitan ang pagpili ng mga external auditor na mangangasiwa ng financial institutions

AFP Reservist Enlistment, isinasagawa sa Lungsod ng San Juan

Nagpapatuloy ang isinasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Reservist Enlistment sa San Juan City Hall Atrium, kaninang hapon. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa AFP. Ayon sa San Juan LGU at AFP, layon ng programa na mapakalas ang pagiging makabansa ng mga mamamayan. Sa isinasagawang aktibidad ilang residente… Continue reading AFP Reservist Enlistment, isinasagawa sa Lungsod ng San Juan

DA Chief, inaasahan ang malaking pagbaba ng presyo ng bigas sa Enero

Kampante si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na magsisimula na ang pagbaba ang presyo ng bigas sa Oktubre. Resulta ito ng desisyon ng gobyerno na bawasan ang taripa sa pag angkat. Gayunpaman, inaasahan na ang buong epekto ng tariff cut ay posibleng maramdaman sa Enero ng susunod na taon. Nilagdaan kamakailan ni Pangulong Ferdinand… Continue reading DA Chief, inaasahan ang malaking pagbaba ng presyo ng bigas sa Enero

Kamara, pinahintulutan na makasama ni dating PCSO General Manager Royina Garma ang kaniyang anak sa detention center

Kasalukuyang nasa detention center na rin ng Kamara ang anak ni dating PCSO General Manager Royina Garma. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, pinagbigyan ng komite na makasama ni Garma ang kaniyang anak na mayroon special needs. Pinahintulutan din aniya ito na makagamit ng cellphone at internet dahil nago-online schooling ang kaniyang anak. “Oo… Continue reading Kamara, pinahintulutan na makasama ni dating PCSO General Manager Royina Garma ang kaniyang anak sa detention center

High value target ng PDEA sa Mindoro, naaresto

Nahuli na ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) sa MIMAROPA Region ang dalawang drug personality sa Mindoro. Sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro, naaresto ang tinaguriang high value target na sina Luis Delos Reyes Baes at… Continue reading High value target ng PDEA sa Mindoro, naaresto

DepEd at Rebisco Group of Companies, magtutulungan para palakasin ang mga programa sa mga pampublikong paaralan

Lumagda sa kasunduan ang Department of Education (DepEd) at Rebisco Food Group of Companies upang lalo pang palakasin ang mga programa sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara at mga kinatawan nasabing kumpanya ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA). Ayon sa DepEd, layon ng pakikipagtulungan na ito na magbigay… Continue reading DepEd at Rebisco Group of Companies, magtutulungan para palakasin ang mga programa sa mga pampublikong paaralan

Christmas bonus, libreng legal aid para sa mga barangay tanod, ipinapanukala

Isinusulong ngayon ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Yamsuan ang panukalang batas na magbibigay ng Christmas bonus at iba pang insentibo para sa mga barangay tanod. Sa kaniyang House Bill 10909 itinutulak ni Yamsuan na mabigyan ng naturang mga benepisyo kasama ang legal assistance at insurance coverage ng mga tanod bilang pagkilala sa kanilang natatanging… Continue reading Christmas bonus, libreng legal aid para sa mga barangay tanod, ipinapanukala

Nasa P2.4-M na danyos sa imprastruktura, naitala ng pamahalaan mula sa epekto ng habagat, bagyong Gener at Ferdie

Umakyat na sa P2.4 million ang halaga ng iniwang pinsala ng habagat, bagyong Ferdie at Gener sa bansa sa imprastrukta sa bansa. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Office of Civil Defense Director Edgar Posadas na ang mga naitalang pinsala na ito ay mula sa Region VI at Region X. “Sa latest po natin na… Continue reading Nasa P2.4-M na danyos sa imprastruktura, naitala ng pamahalaan mula sa epekto ng habagat, bagyong Gener at Ferdie

2024 census, inaasahang matatapos na sa Oktubre

Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority na tinatapos pa ng ahensya ang pagsasagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) and Community-Based Monitoring System (CBMS) Sa naging budget deliberation ng PSA sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Marikina Representative Stella Quimbo, budget sponsor, nasa 70 porsiyento nang natapos ang census. Gayunman nagkaroon aniya ng delay dahil sa… Continue reading 2024 census, inaasahang matatapos na sa Oktubre

Higit 6-M karagdagang botante, asahan sa 2025 midterm elections

Photo courtesy of Philippine News Agency

Umakyat sa 6.4 million na aplikayson upang makaboto sa 2025 midterm elections ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC). Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Ladiangco, na mula sa kabuuang bilang na ito 2.6 million ay mga aplikasyon mula sa mga bagong botante. Nasa 600,000 naman iyong mga nagpapa-reactivate, upang makaboto… Continue reading Higit 6-M karagdagang botante, asahan sa 2025 midterm elections