18 sa mga nabakunahang baboy, may antibodies na kontra ASF — DA

Nagkaroon ng positibong resulta ang ikinasang bakunahan kontra African Swine Fever (ASF) ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Constante Palabrica, lumabas sa pinakahuling blood sampling na 18 mula sa 41 baboy na nabakunahan ang may taglay nang 40% antibodies. Inaasahan pa ng DA na tataas hanggang 90%… Continue reading 18 sa mga nabakunahang baboy, may antibodies na kontra ASF — DA

DOLE-NCR, may ikakasang job fair sa displaced POGO workers sa Oktubre

Nakatutok na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Capital Region (NCR) sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho kasunod ng ban sa internet gaming licensees (IGLs), na dating tinaguriang Philippine offshore gaming operators (POGOs). Sa “Kapihan sa Bagong Pilipinas” forum, sinabi ni DOLE-National Capital Region Assistant Director Jude Thomas Trayvilla na nakapagsumite na… Continue reading DOLE-NCR, may ikakasang job fair sa displaced POGO workers sa Oktubre

Presyo ng Manok sa Agora Public Market sa San Juan, bumaba

Bumaba ang presyo ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, pumapalo na sa ₱215 hanggang ₱225 ang presyo ng kada kilo ng manok sa whole dressed at choice cuts. May kamahalan pa rin ang presyo ng karneng baboy kung saan, ₱300 ang kada kilo ng kasim, habang… Continue reading Presyo ng Manok sa Agora Public Market sa San Juan, bumaba

Imbentaryo ng bigas sa bansa, bahagyang bumaba — PSA

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Hulyo. Ayon sa PSA, naitala sa 1.87-milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of August 1, 2024. Mas mababa ito ng 14.2% mula noong nakaraang buwan na may 2.18-milyong metriko toneladang imbentaryo. Gayunman, katumbas ito ng 14.4%… Continue reading Imbentaryo ng bigas sa bansa, bahagyang bumaba — PSA

DILG Sec. Abalos, pinawi ang pangamba ng mga posibleng kinasal ni Alice Guo na mapawalang bisa ang kanilang pagsasama

Binigyang-linaw ngayon ni Department of the Interior and Local Governmen (DILG) Secretary Benhur Abalos na hindi basta-basta mapapawalang bisa ang pagsasama ng mga mag-asawang ikinasal ni dismissed Mayor Alice Guo. Matatandaan na isa ito sa mga isyu na inilapit ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa Budget deliberation sa Plenaryo.… Continue reading DILG Sec. Abalos, pinawi ang pangamba ng mga posibleng kinasal ni Alice Guo na mapawalang bisa ang kanilang pagsasama

Bagyong Helen, lalabas din ng PAR ngayong araw — PAGASA

Patuloy na kumikilos pahilagang kanluran sa Philippine Sea ang bagyong Helen. Sa 5am Weather Bulletin ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,150 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 105 km/h. Nananatili itong malayo sa Philippine Landmass… Continue reading Bagyong Helen, lalabas din ng PAR ngayong araw — PAGASA

Sen. Dela Rosa, nilinis ang pangalan sa gitna ng impormasyong nasa payola ng POGO ang isang dating PNP chief

Nanghingi ng linaw si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa tungkol sa pagkakakilanlan ng sinasabing dating Philippine National Police (PNP) chief na nasa payola ng POGO sa bansa. Matatandaang ibinahagi ni retired General at PAGCOR Senior Vice President Raul Villanueva na may mga impormasyong kumakalat sa intelligence community na isang dating PNP chief ang dati pa… Continue reading Sen. Dela Rosa, nilinis ang pangalan sa gitna ng impormasyong nasa payola ng POGO ang isang dating PNP chief

₱30-billion na paunang bayad ng San Miguel Corp para sa NAIA PPP deal, ikinalugod ni Finance Sec. Ralph Recto

Welcome kay Finance Secretary Ralph Recto ang remittance ng  ₱30-billion ng upfront payment mula sa San Miguel Corporation-led new NAIA Infra Corporation (NNIC) para sa Ninoy Aquino  International Airport  (NAIA) Public-Private Partnership (PPP) project. Ayon kay Recto ito ay inaasahang magpapalakas ng non-tax revenue na hindi kailangan na magpatupad ng bagong buwis. Hindi lamang nito… Continue reading ₱30-billion na paunang bayad ng San Miguel Corp para sa NAIA PPP deal, ikinalugod ni Finance Sec. Ralph Recto

Panukalang ‘Sovereign Guarantee’ ng DHSUD sagot upang makamit ang bagong target na 3.2-million housing units hanggang 2028

Kayang makamit ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang 3.236 million units na pabahay hanggang 2028 kung maaprubahan ngayong taon ang panukalang “Sovereign Guarantee.” Sinabi ni DHSUD budget sponsor at Navotas Representative Toby Tianco na kung pormal na maaprubahan ang “Sovereign Guarantee” magagawa ng DHSUD na isulong ang target na mabawasan ang… Continue reading Panukalang ‘Sovereign Guarantee’ ng DHSUD sagot upang makamit ang bagong target na 3.2-million housing units hanggang 2028

AFP, bukas sa tulong ng U.S. sa resupply ops sa WPS

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung sakaling magdesisyon ang pamahalaan na tanggapin ang tulong ng Estados Unidos sa mga resupply mission sa West Philippine Sea (WPS). Sa pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na isa ito sa mga opsyon na available… Continue reading AFP, bukas sa tulong ng U.S. sa resupply ops sa WPS