Pinaghahandaan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapalawak ng Online Drivers License Renewal sa iba pang bansa.
Pursigido ang LTO na gawin ito matapos maging matagumpay ang isinagawa nilang pilot online drivers registration sa Taiwan.
Humigit-kumulang 1,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakilahok at pinagsilbihan ng LTO sa loob ng dalawang araw.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, nire-review na ng ahensya ang lahat ng feedback at observation sa dalawang araw na pilot implementation ng programa.
Aniya, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawin din ito sa ibang bansa na may maraming bilang na OFWs. | ulat ni Rey Ferrer