2 araw na transport strike, bigong makaparalisa ng pampublikong transportasyon — LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nagtagumpay ang transport groups na PISTON at MANIBELA na iparalisa ang pasada sa Metro Manila sa ikinasang dalawang araw na strike.

Taliwas ito sa pahayag ng dalawang grupo na malaking porsyento ng ruta sa National Capital Region (NCR) ang naapektuhan ng kanilang tigil pasada.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, maliit na bilang lang ng commuters ang naapektuhan ng strike dahil kakaunti lang naman ang mga miyembrong nakisali sa kilos-protesta.

Wala rin aniyang naidulot na malaking epekto sa trapiko ang dalawang araw na strike at normal lang ang sitwasyon para sa mga commuter.

“Despite claims from transport groups such as MANIBELA and PISTON regarding the supposed impact of the recent two-day transport strike, we observed no significant disruption to vehicular traffic,” pahayag ni LTFRB Chair Guadiz.

Kasunod nito, nagpasalamat si Chair Guadiz kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na suporta at tiwala nito sa Public Transportation Modernization Program (PTMP).

“The effectiveness of public transportation and the resilience of our commuters have been evident during this period,” ani Guadiz. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us