Tinanggap ng Philippine Fleet (PF) ang dalawang Acero-class fast attack interdiction craft (FAIC) mula sa Israel sa Pier 15 ng South Harbor kamakailan.
Ayon kay PF Spokesperson Lieutenant Giovanni Badidlles ang dalawang gunboat na may bow number PG-908 at PG-909 ang pang-pito at pang-walong Acero-class patrol vessel ng PF.
Sa pag-komisyon ng dalawang gunboat, ay isa na lang ang hinihintay na i-deliver ng contractor na Israeli Shipyards Ltd.
Ang naturang mga gunboat ay dinisenyo para sa high-speed operations, at mayroon itong advanced missile systems at sophisticated onboard technology.
Ang mga gunboat ay nagpalakas sa kakayahan ng Philippine Navy na magsagawa ng maritime interdiction operations na malaking hakbang sa pagpapatatag ng Self-Reliant Defense Posture (SRDP) program ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📸: PF