200 housing unit ng MNLF sa Zambo del Norte, nai-turn over ng OPAPRU at DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinurn-over ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 200 unit ng pabahay sa mga komunidad ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Sibuco, Zamboanga Del Norte.

Ang proyektong pabahay ay bahagi ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn–Modified Shelter Assistance Program (PAMANA-MSAP), kung saan tumulong ang mga benepisyaryo sa pagtatayo ng kanilang bahay sa pamamagitan ng “cash for work program.”

Ayon kay Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., mahalagang bahagi ng prosesong pangkapayapaan ang pagkakaloob ng disenteng tirahan at oportunidad pangkabuhayan sa mga komunidad ng MNLF.

Nagpasalamat naman si Sec. Galvez sa DSWD, na katuwang ng OPAPRU sa pagpapatupad ng PAMANA Program, sa kanilang pagtukoy ng mga benepisyaryo.

Ang PAMANA Program ang flagship program ng pambansang pamahalaan, para isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na dating sentro ng armadong pakikibaka.  | ulat ni Leo Sarne

📸: OPAPRU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us