Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority na tinatapos pa ng ahensya ang pagsasagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) and Community-Based Monitoring System (CBMS)
Sa naging budget deliberation ng PSA sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Marikina Representative Stella Quimbo, budget sponsor, nasa 70 porsiyento nang natapos ang census.
Gayunman nagkaroon aniya ng delay dahil sa magkakasunod na pananalasa ng mga bagyo.
Dapat kasi ay matapos na ito ng September 16.
Ngunit target ngayon ng PSA na matapos na ito sa Oktubre at pagdating ng Disyembre ay mai-turnover na ang datos sa National Economic and Development Authority (NEDA).
“Sa ngayon po, nakumpleto na po natin ang 70% ng ating target. Ang expected po natin na end of completion is October…The reason po for bakit nagkaroon tayo ng kaunting delay is because of typhoons. And by December ay iti-turnover na po ang data sa NEDA.” paliwanag ni Quimbo
Ang naturang census ay salig na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang ma-update ang listahan ng mga benepisyaryo, na mapagkakalooban ng social protection programs ng pamahalaan. | ulat ni Kathleen Forbes