Nagsumite ng aplikasyon para sa amnestiya ng Pangulo sa Local Amnesty Board sa Cotabato City ang 21 matataas na commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ngayo’y Members of Parliament.
Ito’y sinaksihan ng mga chairperson ng GPH-MILF Peace Implementing Panel, Retired General Cesar Yano at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Minister Mohagher Iqbal.
Sa ngayon ay umabot na sa 77 miyembro ng MILF ang nag-aplay para sa amnestiya mula nang magsimula ang application period.
Sa pangkalahatan ay nasa 909 na aplikasyon para sa amnestiya ang natanggap ng National Amnesty Commission (NAC) mula sa mga miyembro ng MILF, Moro National Liberation Front (MNLF), CPP-NPA-NDF, at Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).
Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon ay sa Marso 2026. | ulat ni Leo Sarne
📸: NAC