Balik-bansa na ang 22 Filipino seafarers na sakay ng MT Sounion na nailigtas ng isang European Union naval mission matapos ang isinagawang mapanganib na missile attack ng Houthi Rebels sa Red Sea.
Dumating ang mga nasabing seafarer sa tatlong batch lulan ng flights EK332, TG624, at WY843.
Sinalubong naman sa paliparan ang mga OFW ng mga kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna na rin ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac upang tiyakin ang kanilang kalagayan at agarang mabigyan ng kinakailangang tulong.
Bukod sa financial assistance, nagbigay din ang OWWA ng food at transportation assistance, at hotel accommodation kung kinakailangan para sa ating mga kababayan na nakauwi na dito sa Pilipinas. | ulat ni EJ Lazaro