SSS, hinabol ang nasa mahigit ₱5-M utang ng mga negosyante sa Makati

Papalo sa mahigit limang milyong piso o ₱5.4-million ang halagang pinababayaran ng Social Security Sytem (SSS) sa nasa limang negosyante sa Lungsod ng Makati. Ayon sa SSS Makati branch apektado dito ang nasa mahigit 100 empleyado.  Paliwanag pa ng ahensya sa nasabing limang milyong piso, ₱3.8-milion dito ang principal habang aabot sa ₱1.6-million ang penalty… Continue reading SSS, hinabol ang nasa mahigit ₱5-M utang ng mga negosyante sa Makati

Web-based app na ‘Project RESOLVE,’ inilunsad ng DSWD sa Navotas

Sa layong mapabilis ang responde sa panahon ng kalamidad, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Capital Region (NCR) ang Project RESOLVE o Response Engine for Systematic Operationalization of Logistics and Volunteers in Emergencies. Pinangunahan nina DSWD-NCR Regional Director Michael Joseph Lorico, at Navotas Mayor Johnrey Tiangco ang paglulunsad ng web-based… Continue reading Web-based app na ‘Project RESOLVE,’ inilunsad ng DSWD sa Navotas

Higit 28,000 pipe leaks, nakumpuni na ng Maynilad

Aabot na sa higit 28,000 tagas ng tubo ang nakumpuni ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa unang kalahati ng 2024. Ayon sa Maynilad, katumbas ito ng tinatayang 198 MLD (million liters of water) kada araw na na-recover sa unang bahagi ng taon. Sapat ito para matugunan ang pangangailangan ng 198,000… Continue reading Higit 28,000 pipe leaks, nakumpuni na ng Maynilad

PAGCOR Exec. Raul Villanueva, inaming ‘tsismis’ lang ang naging pahayag nito sa pagdinig ng Senado na isang dating PNP chief ay sangkot sa POGO — CIDG

Ibinunyag ni Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director, Police Maj. Gen. Leo Francisco na “tsismis” lang ang mga naging pahayag ni dating AFP General na ngayo’y PAGCOR Executive Raul Villanueva. Ito’y ayon kay Francisco kasunod ng naging pag-amin sa kaniya ni Villanueva matapos ang kanilang naging pag-uusap sa telepono. Sa… Continue reading PAGCOR Exec. Raul Villanueva, inaming ‘tsismis’ lang ang naging pahayag nito sa pagdinig ng Senado na isang dating PNP chief ay sangkot sa POGO — CIDG

Urgent motion ng kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na maibalik sa PNP Custodial Center, wala nang bisa

Wala nang bisa ang inihaing urgent motion ng kampo ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na maibalik sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP). Ito’y makaraang maglabas ang Pasig City Regional Trial Court Branch 167 ng paglilinaw sa nauna nitong desisyon na pumipigil sa paglilipat kay Guo sa kustodiya ng Bureau of Jail Management… Continue reading Urgent motion ng kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na maibalik sa PNP Custodial Center, wala nang bisa

Libreng sakay sa mga maaapektuhan ng ikalawang araw ng tigil-pasada sa Pasig City, tiniyak ng LGU

Nananatiling naka-standby ang mga sasakyan ng Pasig City Local Government Unit para magkaloob ng “Libreng Sakay” sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikalawang araw ng tigil-pasada ng mga grupong PISTON at MANIBELA ngayong araw. Ayon sa Pasig LGU, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon lalo na sa mga lugar na pinagdarausan ng mga programa ng mga naturang… Continue reading Libreng sakay sa mga maaapektuhan ng ikalawang araw ng tigil-pasada sa Pasig City, tiniyak ng LGU

Posibilidad na maging testigo ang mga sumukong kapwa akusado ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nakadepende na sa hukom — NBI

Hindi iniaalis ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na tumayong testigo rin laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang mga kapwa akusado nitong sumuko sa NBI. Kabilang dito ang mga sumuko mula sa Zun Yuan Corporation na sinasabing bogus corporation ng sinibak na alkalde. Paliwanag ni Director Jaime Santiago, posible namang… Continue reading Posibilidad na maging testigo ang mga sumukong kapwa akusado ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nakadepende na sa hukom — NBI

Unang araw ng transport strike, di nakaapekto sa mga commuter sa Quezon City

Hindi naramdaman ng mga commuter sa Quezon City ang unang araw ng transport strike ng grupong MANIBELA at PISTON kahapon. Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) Chief Dexter Cardenas, walang naging epekto ang strike dahil normal ang naging pasada ng karamihan ng mga jeep sa mga pangunahing kalsada sa QC. Marami din… Continue reading Unang araw ng transport strike, di nakaapekto sa mga commuter sa Quezon City

Magkasunod na lindol, tumama sa Davao Region kaninang madaling araw

Dalawang magkasunod na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Davao Region kaninang madaling araw. Bandang alas-3:39 kanina nang unang tumama ang magnitude 4.3 na lindol ang bahagi ng Baganga, Davao Oriental. Tectonic ang origin nito at may lalim na 10km sa lupa. Pasado alas-5 naman ng madaling araw kanina… Continue reading Magkasunod na lindol, tumama sa Davao Region kaninang madaling araw

Mga senador, pinabulaanan ang impormasyon tungkol sa diumano’y pagpapalit ng liderato ng Senado

Pinabulaanan ng mga senador ang kumalat na impormasyong may namumuong plano para palitan si Senate President Chiz Escudero. Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, wala siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa anumang coup attempt laban kay Escudero. Sinabi rin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na wala siyang nalalaman na ganitong attempt. Si Senador… Continue reading Mga senador, pinabulaanan ang impormasyon tungkol sa diumano’y pagpapalit ng liderato ng Senado