Nakaalerto ngayon ang PHIVOLCS sa aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros matapos makapagtala ng malaking bilang ng mga pagyanig o volcanic earthquakes.
Batay sa update ng PHIVOLCS, umabot sa 25 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras kung saan 22 ang naitala simula lang 10:35 PM kagabi.
Limang pagyanig din ang naramdaman sa Canlaon City, Negros Oriental.
Sa kasalukyan, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Bulkan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 kilometers radius ng bulkan o permanent danger zone.
Ayon pa sa PHIVOLCS, ang kasalukuyang aktibidad ng pagyanig ay maaaring magdulot ng pagputok at pagtaas ng Alert Level. | ulat ni Merry Ann Bastasa