Ipinakita ng House of Representatives ang pakikiisa sa selebrasyon ng kaarawan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang “Handog ng Pangulo.”
Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias P. Gabonada Jr. 287 na distrito ang nakiisa sa pamamahagi ng P5,000 na tulong pinansyal sa may 1,000 benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development.
Sa kabuuan ayon kay Gabonada ay nakapag laabot ng P1.5 billion na cash assistance sa may 287,000 na benepisyaryo na malaking ginahawa para sa mga pinaka-vulnerable na sektor ng lipunan.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, suportado nila ang pagtupad sa hangarin ng administrasyon na “Serbisyong Sapat Para sa Lahat.”
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang mas malawak na kahalagahan ng selebrasyon ng Handog ng Pangulo, na nagpapakita ng dedikasyon ng administrasyon sa pagbibigay ng agarang tulong at tunay na serbisyo sa mga higit na nangangailangan.
“President Bongbong Marcos’ deepest desire is to serve and help every Filipino, ensuring that government support reaches those who need it most. On his 67th birthday, the simultaneous distribution of assistance to 287,000 beneficiaries across the country once again proves that ‘Serbisyong Sapat Para sa Lahat’ is not just a vision, but a reality,” saad ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes